Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na si Juvy. Kahit na walang maayos na tulog ay maaga siyang bumangon. Ngayong araw bubuksan ang shop na pagmamay-ari dati nina Zainab. Wala siyang masiyadong alam sa auto parts ng mga malaking sasakyan. Nagtimpla siya ng kape at kinuha ang booklet na nasa ibabaw ng sofa. Iniwan iyon ni Hatt sa kaniya para matandaan niya ang mga auto parts. Lalo na ang pagkakabisado ng lahat ng iyon para hindi siya mapahiya sa mga customer. Mabilis naman siyang matuto lalo na kung si Hatt ang magtuturo sa kaniya. Bukod sa istrikto ito ay magaling pa itong magsalita. Umupo siya sa sofa at itinaas ang kaniyang mga paa. Habang nakalagay sa ibabaw ng kaniyang kandungan ang booklet. Sinimsim niya ang matapang na kape na tinimpla niya. Tumagos sa bintana ang sinag ng