"PARA saan po ba itong photo shoot, Tita? Hindi ba kaka-pa-photo shoot lang natin nung new year's day? Ano po ba okasyon?" Sunod sunod niyang tanong sa tiyahin ngunit ni-isa wala itong sinagot. She looked at Alfred and her cousin just shrugged. Mukhang clueless din ito sa planong iyon ng tiyahin niya. Isang hila sa laylayan ng damit niya ang siyang pumukaw sa kanya at sa paglingon niya ang nakangiting mukha ni Kit ang sumalubong sa kanya. Pinaayos nito ang suot na damit sa kanya saka buhok na walang ibang nakakahawak bukod sa kanya. Sunod na lumipat ang atensyon niya kay Aicel na nakatayo sa tabi ni Kit. Her daughter wearing the dress that she bought in Macau with Sixto. Bumagay iyon kay Aicel at saktong sakto lang sa katawan nito. She fixed some of Aicel's small strands of hair. Si Sixt