HINDI na nagawang magtanong pa ni Tanya kung bakit kay aga-aga siyang ginising ni Sixto. Wala kasi itong sinabi na may lakad nang mag-usap sila kagabi. Maaga nga siyang natulog dahil sa sobrang pagod sa trabaho sa opisina at bahay nila. Being a working mom and wife is the hardest job she ever have in her entire life. Fulfilling din naman ang pakiramdam lalo't nakikita niyang masaya ang mga anak at si Sixto sa kanyang ginagawa. Iyon nga lang sadyang nakakapagod at kung pwede lamang ay humingi siya ng day off. Sabi nila kapag asawa't ina ka na, wala na bokabolaryo mo yung salitang pahinga. Magugutom pamilya kapag nagpahinga ngunit paano kung pagod na pagod na talaga ang katawang lupa niya't maging ang emosyonal na parte ng sarili ay naapektuhan na? Dapat naghahanda na siya pagkain ni Malcol