“ALFRED is really serious about Batanes trip. He booked a ticket for two and it's one way.” Tahimik lang siyang inaasikaso ang tatlong anak nila. Alam naman niyang nag-ta-tantrums lang si Sixto dahil hindi pinayagan ng board resignation nito. Wala pa namang nakakalaban sa chairwoman ng board na walang iba kung 'di ang Tita Letty niya. “I somehow think that the Morales' has a secret plan against me.” Napatingin siya dito. Ayan na naman ang fiance niya sa mga haka-haka nito sa buhay. Tanya is a Morales and insisted to remain even if she marries him. “Clear your mind, Altamirano. Sinusunod lang ni Alfred ang puso niya at walang sinong ama ang hahayaan na maging malungkot ang anak habang buhay. Kit adores Klarissa so much and the kid found a mother figure in her.” Hindi na nagsalita si Si