Habang inaayos ang kanyang pre-candidacy application para maging ganap na madre. Lumuwas si Faith sa Maynila at nag-aral ng nursing sa prestihiyosong medical school ang University of Santo Tomas. Naisip niya na baka makita niya roon si Danny dahil iyon ang kolehiyong napili nilang pasukan. Ngunit wala namang anino ni Danny siyang nakita sa nakalipas na apat na taon. Wala rin siyang balita patungkol sa binata at hindi niya na rin inalam pa kung anong nangyari sa dating nobyo. Iniwasan rin mabanggit ng mga magulang niya ang nangyari dahil kung nasaktan si Faith ay higit silang nasaktan sa sinapit ng anak. Masakit sa loob ng kanyang mga magulang dahil naging parte sila ng kasawian ni Faith sa unang pag-ibig nito. Nang makapagtapos ng kolehiyo ay sinimulan ni Faith mag-volunteer sa mga baha