Laylay ang mga balikat ni Andy na pumasok sa silid ng ama niya. Ewan niya kung bakit, pero parang ang sakit ng dibdib niya o mas tamang salita ay ng puso niya. Nakita niya ulit na closeness nina Yolly at Leandro at selos na selos siya. Marahas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Huwag lang talagang makaporma-porma ang Leandro na iyon kay Yolly. Makikita niya. "Son?" Nagulat siya nang marinig niya ang boses ng kanyang Daddy. Gising na pala at mukhang kanina pa siya tinitingnan. "Dad?" Lumiwanag konti ang mukha niya. Thank God, gising na nga pala talaga ang ama niya at igtas na sa kapahamakan. "What's bothering you, Son? Ayos ka lang ba?" "Dad?" He was surprised. Why was his dad asking him if he was okay? Baliktad yata? Lumapit sa kanya si Kara. "Kanina ka pa kasi namin tinit