PART 36

1671 Words

Buong araw na hindi nag-imikan ang dalawa. Paano ay sinasadya ni Yolly na iwasan si Andy. Ewan pero dahil sa nangyari kanina ay nahihiya siya sa binata. Kahit na kung tutuusin ay wala naman dapat siyang ikahiya dahil kung meron mang dapat mahiya ay dapat si Cindy 'yon at hindi siya. Kaya lang kasi ay... Ah, basta, hindi niya ma-explain. Saka wala naman siyang sasabihin kay Andy, eh. Buti na lang at matagal din na nag-car wash sa sasakyan si Andy kaya hindi siya nahirapan sa pag-iwas dito. Halos buong maghapon yata sa kakalinis si Andy sa kotse nito. Good luck na lang sa nanay niya sa bill sa tubig. Ha-ha! Noong hapunan na lang sila parang nagkita na dalawa gayong ang liit ng bahay nila. Siguro ay iniiwasan din talaga siya ni Andy. "Eh, ano nang balak niyo ngayon?" untag sa kanila ni A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD