Grabe ang ngawa ni Yolly. Buntis siya. Buntis nga siya. Ang mga pangarap niya wala na. Animo’y salamin na nabasag at naging mga bubog na parang imposible nang mabuo pa kahit kailan. "Yolly, Anak? Halika na!" tawag na naman ng nanay niya sa kanya. Sa halip na lumabas ay nagmadali niyang ini-lock ang pinto ng silid niya para hindi muna makapasok ang ina. Hindi siya puwedeng makita ng nanay niya na umiiyak. Siguradong magtatanong iyon kung bakit at hindi siya titigilan. Lalong hindi pupuwede na malaman nitong buntis siya. Ayaw niyang masampal o makalbo. Hu-hu! Halu-halo na ang nararamdaman niya pero nangunguna pa rin ang matinding takot. Nasa kamay pa rin niya ang PT, mahigpit niya iyong hawak. Ni ang ilapag saglit o bitawan ay hindi niya magawa dahil sa sobrang takot. Anong gagawin niya