"Lalalalala!" Inaaliw na lang ni Yolly ang sarili sa pagha-hum. Kasabay nang pag-sway-sway ng ulo niyang ang gumagalaw ay pakanan at pakaliwa. Paraan niya para hindi siya ma-boring. Hindi kasi siya talaga umalis sa taas ng hagdan. Masunurin talaga siya. "Yolly, baka gusto mo nang bumaba r’yan?" pansin na sa kanya ni Yaya Chadeng na nagwawalis sa may gitna ng hagdanan. "Okay lang ako, Yaya Chadeng. Utos po ni Bossing, eh." "Suss! Grabe na talaga ang batang 'yon." Napailing-iling si Yaya Chadeng. "Hayaan niyo na po kaysa magalit lalo sa 'kin. Eh, si Leandro po kumusta siya sa labas?" "Ayun, nagbabantay. Nagsimula na siyang magtrabaho. Mabait din pala 'yon tulad mo." Ngumiti siya. At least okay lang naman pala ang kaibigan niya. "Pero matanong nga kita, Yolly." Tumigil muna sa ginagaw