"Dito ka!" maotoridad na sabi Andy kasabay nang pagpampag niya sa isang bahagi ng malaki, malawak at malambot niyang kama. "Kinuha na rin kita ng kumot at unan," aniya pa saka tumayo at pinamaywangan si Yolly na bagong pasok sa silid niya. Subalit walang naging kilos si Yolly. Matamang nakatingin lang ito sa kanya habang nakaupo sa wheelchair nito. "What?" "Hindi pa kasi ako inaantok," katwiran ni Yolly. "But late na?" parang napahiyang saad niya. Napatingin si Yolly sa wall clock na nakasabit sa dingding. Sumunod din ang tingin niya roon, at napaubo siya dahil alas syete pa lang pala ng gabi. "Fine! Kung ayaw mo pang matulog bahala ka! Basta ako matutulog na! Late na sa 'kin 'yan!" aniyang palusot na lamang saka sumampa na sa kama. Nahiga siyang diretso, iyong higang pang-bangkay.