"Yolly..." Mabilis na ipinarada ni Leandro ang motor niya. Nakita niya kasi si Yolly sa naka-open ng gate ng bahay at umiiyak. Pero nang makalapit siya ay isang sampal ang natikman niya mula sa dalaga. Tila ba nagtigil ang pag-ikot ng mundo ang naging pakiramdam ni Leandro. Hindi siya makapaniwala na sinampal siya ni Yolly. Nangilid ang mga luha niya habang nakatagilid pa rin ang mukha niya. Hindi masakit ang sampal ni Yolly. Ang masakit para kay Leandro ay 'yong iisipin niyang matindi talaga ang galit ng dalaga sa kanya. "Masaya ka na?! Ayan na, wala na si Andy! Umalis na siya! Iniwan na niya ako!" madiin na madiin ang boses na sumbat ni Yolly kay Leandro sa gitna ng kanyang pag-iyak. Nanginginig din ang kamay niya na tinuturo ang papalayong sasakyan ni Andy. "Umalis na siya! Iniwan n