"Yolly, ano ba 'tong ginagawa mo?! Hindi ka ba nag-iisip?!" Pinagalitan agad siya ni Madam Angie nang makapasok sila sa pinaka-office nito sa Jewelry Shop. Nahihiyang napayuko ng kanyang ulo si Yolly. "Sit down at mag-usap tayo," anang pa ng mayamang ginang na halatang na-disappoint sa gusto niyang mangyari. Umupo naman siya. Gayundin si Madam Angie. Magkaharap silang dalawa. Ngunit hindi siya makatingin ng diretso sa mabait na si Madam Angie. "Yolly, huwag mong ibabalik 'yan kahit na anong mangyari," sabi pa ng Madam sa madiin na boses. Nag-angat siya ng kanyang ulo. "Tita, kasi wala naman na po 'yang halaga na kasi—" "No. Don't say that dahil gagawin ko ang lahat magkabati lang kayo ng anak ko. Alam mo naman na mahalaga ka na sa 'kin, Yolly. Ikaw lang ang gusto kong makatuluyan ng