Ewan ni Andy pero hindi siya agad nakakilos. Natulala siya at napahawak ng mahigpit sa manibela. Pero noong madami na ang taong umusyoso ay mabilis na siyang lumabas ng kotse. "Hala, kawawa naman!" narinig niya agad na bulungan ng mga tao. "Tumawag kayo ng ambulansya! Daliiiii!" sabi naman ng iba. Napapikit si Andy nang makita na niya ang hitsura ni Yolly. Nakahandusay ito sa harap ng kotse niya at walang malay. Hindi siya naaawa. Bagkus ay mas nainis pa siya kay Yolly lalo. "Hoy! Wala ka kasing awa!" singhal sa kanya ng isang babae. Ito ang nakakita na nakikiusap kaninang si Yolly na pagbuksan siya ng kotse. Napangiwi at napasinghap siya sa hangin. So, kasalanan pa ba niya iyon?! Kasalanan ba niya kung tanga ang babaeng 'to?! Kung masunurin pala at nagpakamatay talaga?! F*ck! "Naku