INTERESTING ang kuwento ni Elias pero mas interesado si Natassa na makawala sa posas. Kailagan niya itong mapalambot.
“Uhm, puwede mo ba akong turuan diyan sa ginagawa mo?” aniya.
“Pag-aralan mo itong gamitin pagkatapos ng research natin.”
“Baka puwede mo na akong palayain. Masakit na ang kamay ko,” samo niya.
“Huwag kang magkunwaring mabait, nakapapanibago,” sabi nito.
Nabuhay na naman ang inis niya. “Fine! Bilisan mo naman ang ginagawa nang makauwi na ako!”
Kumislot siya nang pisilin nito ang kamay niya na kadikit ng kamay nito. “Ouch!” daing niya.
“Wala kang respeto sa nakatatanda sa ‘yo. Mabait naman ang parents mo, bakit ka ganyan?” anito.
“Don’t f*cking judge me, bastard!” hasik niya.
“I hate woman says the word ‘f*ck’. Iisipin ng lalaking nakaririnig at nakaiintindi na hinahamon mo silang makipagtalik.”
Bigla siyang kinilabutan. “Ano ba ang pakialam mo? That was an expression. Mga lalaki lang ba ang may karapatang magsabi ng ganoon?”
“In other countries, girls used the word ‘f*ck’ as the expression is known as b***h. It sounds dirty.”
“Masyado kang conservative, obvious naman na isa ka ring liberated. And I hate guys who are not interested to marry a woman. They don’t have rights to have s*x,” aniya.
“Don’t act like you are an old-fashioned woman. In your generation, s*x before marriage is a common issue.”
“I’m aware of that. Big deal lang ang isyu na iyon sa mga tao. I’m a hybrid. Some vampires don’t get married. They were just want to spread their legacy. And love is not the main element to have s*x. They having s*x with multiple partners for the sake of blood and production. Medyo sensitive ang issue para sa mga modern vampire,” aniya.
“Uso pa ang ganoong production process sa ibang bansa at vampire bloodlines,” sabi nito. Kinuha nito sa kamay niya ang netbook.
Kinabahan siya. Naka-open kasi sa screen ang picture nito na underwear lang ang suot.
“Hm. We’re talking about s*x while you’re looking at my nude photo. Nice girl,” wika nito.
Kinilabutan siya. “No, you’re wrong. Hindi ako nakatingin sa picture mo,” giit niya.
“Bakit ito naka-full screen? Hindi ka ba kontento sa minimize capture ng photo?” usig nito.
Marahas niya itong hinarap. “Excuse me? Anong pagnanasaan ko sa katawan ng isang forty-five years old guy?” aniya.
“Age doesn’t matter. Nasa early twenties ako noong kinunan ang litratong ito, but my figure never changed. Lalo ko pa itong napaganda,” pagmamalaki nito.
“Make me believe, asshole.”
“You want a prof?” Bigla itong tumayo at akmang maghuhubad ng kamiseta.
“No, please!” pigil niya.
Nasilayan niya ang pilyong ngiti ng binata. Pagkuwan ay umupo itong muli at binalikan ang trabaho. Bigla siyang hinapo. Hindi na lamang siya nagsalita baka kung saan na naman sila mapadpad na paksa.
PARANG ibong nakalaya sa hawla si Natassa pagdating niya ng bahay. Hinatid lang siya roon ni Elias at doon na inalis ang posas. Si Nate lang ang nadatnan niya sa sala. Si Nate ang bunsong kapatid niyang lalaki na noo’y twenty years old na. Nanonood ito ng movie sa laptop nito.
“Where’s Mom?” tanong niya rito.
“I don’t know,” tipid nitong sagot.
“Tsk. Pagali ka namang walang pakialam. Hindi ka pumasok sa academy, ano?” aniya.
“Boring sa school.”
“Huh! Feeling genius?”
“Huwag ka ngang maingay, Ate,” iritableng sabi nito.
Iniwan na niya ito. Pagpasok niya sa kusina ay naabutan niya ang daddy niya na nagluluto.
“Why did you do that, Dad? Where’s Mom?” sabi niya.
Hindi siya nito tiningnan. “She’s sick,” sagot nito.
“What? Why?”
Marahas siya nitong hinarap. “Stress strikes her because of you! How dare you ask me why Natassa?” asik nito.
Natigagal siya. “D-Dad, I thought she’s fine. She never told me about her feelings,” aniya.
“Dahil pilit ka niyang iniintindi at palagi siyang nagpaaraya! ‘Yang katigasan ng ulo mo ang palaging nagpapaalala sa kanya! Akala mo lang wala siyang pakialam pero simula noong palagi kang wala at nagsusuplada sa kanya, hindi na siya nakakatulog nang maayos. Kapag naging ina ka, maiintindihan mo rin ang mommy mo. Hindi mo pa ba nare-realize ang mga maling nagawa mo?”
May kung anong pumipiga sa puso niya. Hindi niya namalayan ang paglandas ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
“I’m sorry, Dad. Gusto ko lang naman ng kalayaan,” wika niya.
“Anong klaseng kalayaan? Kalayaang masunod ang gusto mo kahit mali? I’m not an idiot kind of father, Natassa.”
“But you’re overprotective, Dad! Tama bang payagan mo si Elias na iposas ako maghapon sa kamay niya? What kind of bodyguard he is?”
“Because I know you will do anything to escape. Sinira mo na ang tiwala ko kaya huwag kang magtaka kung lalo kitang hinihigpitan. Elias is a genius escort. He can protect you.”
“I hate him,” prangkang sabi niya.
“I don’t care if you like him or not.”
“But he acted like my boss. Bakit kailangang siya ang masunod? Maatim mo bang pati sa comfort room ay sinasamahan ako ng lalaking iyon? What if makaisip siyang pagsamantalahan ako? Okay lang sa inyo?”
Bumuntong-hininga si Trivor. “Elias is a gentleman. And he knows his limitations. Nakapag-usap na kami at kami lang ang nagkakaintindihan. I trusted him because I’m the one who teaches him some good manners. Kahit maghubad ka sa harapan niya, hindi siya maaakit.”
“Fine. Masyado kang bilib sa lalaking iyon. At once may ginawang hindi maganda sa akin ang lalaking iyon, kasalanan mo, Dad. Sa simula pa lang ay mabigat na ang loob ko sa Elias na iyon. Napakaarogante niya.”
“You’re just judgmental, Natassa. Hindi lahat ng first impression ay tama. Stop judging him because you don’t have enough knowledge about his personality. Puntahan mo ang mommy mo sa kuwarto at kausapin siya nang matino,” sabi nito saka siya tinalikuran.
Kumislos na lamang siya at nagtungo sa kuwarto ng mga magulang niya. Hindi naka-lock ang pinto kaya kaagad siyang pumasok. Nadatnan niya ang Mmommy niya na nakaupo sa kama at nagbabasa ng libro. Mukhang wala naman itong sakit. Nilapitan niya ito at lumuklok siya sa tabi nito sa gawing kaliwa.
“Ano’ng nararamdaman mo, Mom?” mahinahong tanong niya.
“Nahilo lang ako kanina. Siguro dahil sa puyat. Okay lang ako, anak,” anito.
“Ang sabi ni Daddy, may sakit ka.”
“Huwag mo nang intindihin ang Daddy mo. Over acting lang ‘yon. Alam mo naman ‘yon, grabe kung mag-alala. Halos ayaw na akong pakilusin. Nagkita ba kayo?”
“Opo. Nasa kusina siya at nagluluto.”
“Hay, baliw talaga siya. Sinabing huwag na siyang magluto dahil mag-uuwi ng pagkain si Nathan mula sa academy.”
“Bakit siya mag-uuwi ng pagkain?”
“Nagsasaay magluto si Nathan. Ilang araw na niya iyong ginagawa.”
Nagduda na siya sa kapatid niya. “I’m just wondering, Mom. I think, Nathan is a gay,” sabi niya.
“Huwag kang magsalita ng ganyan. Magagalit ang Daddy mo niyan,” sabi nito.
“Obvious naman kasi. Napakahinhin niyang kumilos. Mas interesado siya sa gawaing bahay kaysa sa trabaho ng lalaki.”
“Tigilan mo nga ang kapatid mo. Ganoon lang talaga ang nature niya.”
Bumuga siya ng hangin. “Ewan ko sa inyo. Baka naglilihim lang siya sa atin dahil alam niya na strikto si Daddy. Natatakot lang siyang umamin. And about Nate, ang weird ng isang iyon. Lulong na sa movies. May balak atang maging direktor. Hindi na naman siya pumasok sa academy.”
“Mas gusto ni Nate ng home study. Isinasama naman siya ng daddy mo sa mga misyon niya. Kabaliktaran kayo ng mga kapatid mo. Si Nate, ayaw umalis ng bahay, samantalang ikaw, mas gustong palaging nasa labas.”
“Huwag ka nang ma-stress, Mom. Malalaki na kami. Tatanda ka nang maaga niyan.”
Ngumiti ang ginang. “Natatakot akong tumanda, anak. Naiinggit ako kay Tita Martina mo. Kasi siya, hindi na tatanda. Imortal na siya. Baka iwan na ako ng daddy mo kapag matanda na ako,” malungkot na sabi nito.
Hinawakan niya ang kamay nito. “Mom, don’t say that. Dad loves you so much. Kapag iniwan ka niya, ako ang makakalaban niya,” aniya.
“Parang gusto ko na ring matulad kay Martina.”
“Mom. Hindi madaling maging bampira. Malaking adjustment ang gagawin mo. Isa pa, baka ayaw ni Daddy.”
“Anong ayaw? Siya nga itong namimilit sa akin. Natatakot daw siyang iwan ko siya.”
“Ano? Nababaliw na ba siya?”
“Okay rin naman ‘yon. Kapag nagsawa na kaming mabuhay, puwede naman kaming mamatay na sabay.”
Bumalikwas siya nang tayo. “Nababaliw na kayo pareho.”
“Kapag natagpuan mo na ang partner mo sa buhay, Anak, gugustuhin mo ring makasama siya habang buhay. Masakit kasing makita ang mahal mo na namamatay. At masakit mamatay habang iniisip mo ang mahal mo sa buhay na maiiwan. Nagawa ko naman lahat ng goal ko bilang mortal. Ang gusto ko na lang gawin ay habang buhay makasama ang mga mahal ko sa buhay at patuloy silang napagsisilbihan. Gusto ko kayong makasama nang mas matagal hanggang sa mga susunod na henerasyon ninyo.”
Napaluha siya. Ramdam niya ang kagustuhan ng mommy niya na maging imortal. Alam niya na malaki ang pagbabagong maganap kaya hindi siya sigurado kung magugustuhan niya ang resulta. Pero kung kagustuhan iyon ng mga magulang niya, wala siyang magagawa.
“Kung masaya ka naman sa pasya mo, wala akong magagawa. Kayong dalawa lang ni Daddy ang magkakaintindihan,” aniya saka iniwan ang kanyang ina.
Hindi na niya pinahalata ang kanyang pagtutol. Nagtungo na lamang siya sa kanyang kuwarto at dumeretso siya sa banyo. Habang nakatutok siya sa ilalim ng shower ay bigla na lamang dumapo sa isip niya ang imahe ni Elias. Tinubuan siya ng curiosity tungkol sa pagkatao nito. Si Elias ang pinaka-weird na lalaking nakilala niya.
PAGDATING ni Elias sa kuwarto niya ay pumasok kaagad siya sa banyo at naligo. Pinagmasdan niya sa salamin ang hubad niyang katawan. Hinipo niya ang kaliwang dibdib niya na mayroong pulang marka na naglalarawan ng star na napalibutan ng bilog. Sa gitna ng star ay mayroong imahe ng isang mata. Simula noong tumubo ang isip niya ay nakikita na niya ang markang iyon. Wala ring alam ang kinilala niyang ama tungkol sa marka, lalo na ang kanyang ina.
Pagkatapos niyang naligo ay nagtungo siya sa laboratory ni Zyrus. Naabutan niya ito roon kasama si Ellie na magkatabi sa bench at nakaharap sa stainless na lamesa.
“O, kuya, bakit ngayon ka lang umuwi?” bungad ni Ellie, ang nakababatang kapatid niya sa ina.
“Marami kasing trabaho sa academy,” sagot niya.
“Si Sandro, may balak pa bang umuwi?” tanong nito.
Kumibit-balikat siya.
“Busy si Sandro. Puntahan mo na lang siya roon,” sabi naman ni Zyrus sa asawa.
“Kainis! Mag-ama talaga kayo. Bakit hindi na lang tayo lumipat sa academy, ano, mahal kong asawa?” ani ni Ellie.
“Ikaw ang bahala,” dedma na sabi ni Zyrus.
Marahas na tumayo si Ellie at tinampal sa balikat si Zyrus. Pagkuwan ay lumapit ito kay Elias.
“Nag-dinner ka na ba, Kuya?” tanong nito sa kanya.
Sinundan na niya ito palabas ng laboratory. “Uhm, hindi pa,” matamlay na tugon niya. “Si Mama?” pagkuwan ay tanong niya.
“Naroon siya sa kusina at nagluluto. Dito ko siya pinatulog simula noong hindi ka umuuwi doon sa kabilang bahay. Wala kasi siyang kasama,” anito.
“Sinabi ko na sa kanya na lumipat na rito. Dito na rin naman ako natutulog,” wika niya.
“Ewan ko, mas gusto niya tumira sa lumang bahay. Mas okay nga rito dahil madalas kaming magkasama.”
Pagdating nila sa kusina ay naabutan nila ang nanay niya na nagluluto ng hapunan. Pumihit ito paharap sa kanila.
“Oh, Elias, anak. Mabuti umuwi ka na. Ano, kumain ka na ba?” sabi ng ginang.
“Hindi pa,” tipid niyang sagot.
“Malapit nang maluto itong ulam. Ellie, ihain mo na ang kanin at mga kobyertos,” wika ng kanilang ina.
Tumalima naman si Ellie. Tumulong na rin siya sa paghahanda ng hapag-kainan. Na-miss niya ang luto ng nanay niya. Siya na ang nagdala ng ulam sa lamesa at nagsalin sa serving bowl. Nilagang baka ang ulam nila at pritong tuna.
“Tawagin mo na ang asawa mo, Ellie. Hindi ko na nakikita ang mga apo ko,” sabi ni Alma.
“Huwag ka nang magtaka sa mga apo mo, ‘Nay. Tatawagin ko lang si Zyrus,” sabi ni Ellie saka pinuntahan sa laboratory si Zyrus.
Umupo na si Elias sa pinakadulong silya sa gawing kaliwa. Umupo naman sa silya malapit sa kanya ang kanyang ina. Matagal na niya itong gustong usigin tungkol sa totoo niyang ama pero madalas niyang nakalilimutan. Pero sa pagkakataong iyon ay desidido na siyang malaman.
“Ma, pasensiya na ulit. Wala na ba kayong naalala tungkol sa tatay ko?” usisa niya.
Natigilan ang ginang. “Ahm, hindi ba magkasama naman kayo ng tatay mo?” anito pagkuwan.
“Hindi n’yo po ba alam na hindi si Rejeno ang totoong tatay ko?”
Nanlaki ang mga mata ng ginang. “Siya lang naman ang lalaking sinamahan ko noon.”
“Pero ang sabi ni Papa, buntis ka na noong nagsama kayo. Magsabi po kayo sa akin ng totoo, Ma.”
Namutla ang ginang. “Kuwan, merong lalaking unang gumalaw sa akin noon pero hindi ko na siya nakita pagkatapos noong gabing tinulungan niya ako. Noong buwan din na iyon, nakilala ko ang tatay mo. Sumama ako sa kanya at may mga nangyari sa amin kaya iniisip ko na siya ang tatay mo,” kuwento nito.
“Pero natuklasan ni Papa na hindi ako nagmula sa kanya noong hindi nag-match ang DNA namin. Nagduda na siya noon kaya pina-DNA test niya ako. Habang lumalaki kasi ako ay napansin niya na hindi niya ako kamukha at hindi mo rin kamukha. Tinulungan niya akong makita ang totoo kong ama pero nabigo kami. Kaya pumunta ako rito sa Pilipinas para hanapin ka dala ang natatanging larawan mo kasama si Ellie. Umaasa ako na masasagot mo ang mga tanong ko,” seryosong pahayag niya.
“Pasensiya ka na, Anak. Wala rin akong alam tungkol sa tunay mong ama. Bigla na lang siya nawala noong gabi na nagkita kami. Naaalala ko na lang ang mukha niya sa tuwing nakikita kita. Ang alam ko lang, isa rin siyang bampira,” sabi nito.
Wala siyang magawa kundi makontento sa impormasyong alam ng kanyang ina. Pero ang curiosity niya tungkol sa marka sa kanyang dibdib ay patuloy na umuusig sa kanya.
“Pero may alam po ba kayo tungkol sa marka na nasa kaliwang dibdib ko?” usig niya sa ginang.
Naging uneasy ang kanyang ina. “Nakita ko na iyan simula noong isinilang kita. Hindi ko rin maintindihan bakit nagkaroon ng marka sa dibdib mo,” sagot ng ginang.
“Wala po ba itong koneksiyon doon sa totoo kong tatay?” aniya.
“Hindi ko alam, Anak. Wala talaga akong alam tungkol sa tatay mo. Siguro, kalimutan mo na lang ‘yon.”
Tumango siya. Naudlot ang pag-uusap nila nang dumating si Zyrus at Ellie kasama na ang bunsong anak ng mga ito na si Simon. May isang dekada na siyang nakatira sa pamilya ng kapatid niya pero ilang beses pa lang niya nakasamang kumain si Alessandro. Kahit noong bata pa si Alessandro ay palagi itong nakababad sa laboratory at madalas doon na kumakain.
Komportable siya na kasama ang asawa ng kapatid niya. Mabait ito at itinuring siyang kapatid. Tinulungan din siya ni Zyrus na maging aktibong miyembro ng sangre organization.
“Let’s eat,” sabi ni Ellie.
Twenty-three years old na si Simon pero parang bata pa rin kung asikasuhin ni Ellie. Natutuwa siya dahil lahat ng pamangkin niya ay naalagaan niya noong maliliit pa. Dalawang lalaki lang ang anak ni Ellie. Parehong magaling sa siyensiya si Simon at Alessandro.
Ilang beses din siyang inuusig ni Ellie tungkol sa love life niya. Hanggang sa panahong iyon ay wala siyang interes sa pakikipagrelasyon. Iniisip niya, wala namang limitasyon ang pag-aasawa. Isa pa, walang problema sa edad ng lalaki. Aktibo pa rin naman siya kahit nadadagdagan ang edad niya.
“May bago bang pinapagawa sa ‘yo si Trivor, Elias?” mamaya ay tanong ni Zyrus, habang kumakain na sila.
“Wala naman, maliban sa pagbantay kay Natassa,” sagot niya.
“Bakit? Napano ang anak niya?” usisa ni Zyrus.
“May sakit ba si Natassa?” tanong ni Ellie.
“Wala naman. Nagtangka kasing maglayas si Natassa noong isang araw. Nagrerebelde ang batang iyon dahil ipinipilit niya ang kagustuhang pakikipagrelasyon sa lalaki na miyembro ng black ribbon soldier,” sagot niya.
“Talaga? Hindi ko alam na sutil din ang panganay ni Trivor,” ani ni Ellie.
“Masyado din kasing mahigpit si Trivor sa mga anak niya kaya may mga attitude problem ang mga iyon,” komento ni Zyrus.
“Matigas lang talaga ang ulo ni Natassa. Kahit ako hindi ako pabor sa pakikipagrelasyon niya sa isang kaaway. Puwede kasi siyang ma-trap at gagamitin ng mga kaaway laban sa atin,” sabi niya.
“Kung sa bagay,” ani Zyrus.
“Pero ang sarap kaya magkaroon ng anak na babae,” sabad ni Ellie.
“Bakit kasi ayaw ninyong dagdagan ang mga anak ninyo, anak?” apela naman ng nanay nila.
“Naku, ‘Nay, si Zyrus po ang tanungin n’yo tungkol diyan,” sabi ni Ellie.
“Wala pong problema sa akin. Si Ellie lang ang problema dahil ayaw nang magbuntis,” mabilis na depensa ni Zyrus.
“Excuse me, Zyrus! Ikaw kaya itong palaging wala at kapag nandito sa bahay ay palaging nasa laboratory.”
“Hindi naman ako nagkulang ng serbisyo. Kahit minsan lang tayo nagkakatabi, sinusulit ko naman.”
“Tumigil ka nga, Zyrus! Hindi ka lang marunong mag-timing! Puro ka lang ano!”
“Enough! Ano ba kayo, Mom, Dad?” saway ni Simon sa mga magulang.
Biglang tumahimik ang mag-asawa.
Napangiti si Elias. Nasanay na siya sa bunganga ng kapatid niya. Pero may pagkakataon na naiinggit siya sa mga ito. Kahit madalas magtalo ay naroon pa rin ang lambing at pagmamahal.