Nang makapasok kami sa Hall ay pinagtinginan kami. Hanggang dito ba ay nalaman nila ang tungkol sa nangyari sa labas? Pero kung sabagay di pa rin nakakapag taka yun. "Hen tinawagan mo na ba si kuya Jared?" tanong ni Yana. "Oo nga pala. Wait lang ah." at tumayo sya saka lumayo sa amin. "Hoy babae bakit ang bilis mo mapa oo yun?" pang aasar ni Min. "Huh? Pinagsasabi mo?" "Naku kunwari pa." natatawa namang dagdag ni Jullia. At ayun na nga inasar namin ng inasar si Yana kaya ang ending pulang pula sa hiya samantalang kami naman ay halos di makahinga sa kakatawa. "What an uneducated group of ladies." Napatigil naman kami sa pagtawa at pang aasar kay Yana ng marinig namin yun at nakita namin ang osang babae na halata sa mukha nya ang pagiging superior at pagiging mapang mata. Naramdaman

