Nang makatulog na si Ange at Arlene ay agad naman kaming umalis nila Min, Yana, Jullia at Kassey papunta sa kabilang room. Room na arkilado din namin for security purposes. Pagpasok namin sa may sala ay agad naman namin nakita si Henry. "Oh tulog na agad si Mark at Victor?" tanong naman ni Kassey. "Sus ang sabihin mo lang gusto mo malaman kung tulog na ba si Mark dinamay mo pa si Vic." natatawang sabi ni Yana at inirapan naman sya ni Kassey. "Dream on girl." "Nah~ my dream is here." sabi ni Yana saka kumapit sa braso ni Henry at kiniss naman sya ni Henry sa ulo nya. "See?" "You're not dreaming honey, I am really here." "Maglandian kayo wag sa harap ko please lang!" natawa naman ako kay Jullia at Min na nakasimangot sa dalawa. Napailing na lang kami at saka ko inopen ang ability ko.

