"Ang mga important documents!" Bulalas ni mama at akmang lalabas. "Tita. Dito lang po kayo di pa po kayo ganun kalakas baka po mapaano kayo sa labas!" Bulalas ni Marvin at napatigil naman si Mama. "Tama si kuya, tita. Hindi pa gaanong nagsesettle ang nangyari sa inyo kanina its better kung kami na lang ang lalabas." Sabat naman ni Jullia. Kumalma naman saglit si mama pero halatang gusto nyang puntahan ang bahay kaya naman napabuntong hininga ako. "Ma." Tawag ko at napatingin naman sila sa akin. "Saan po ba nakalagay yang mga bagay na nasa isip mo?" Nararamdaman ko kasi ang panghihinayang ni mama at nararamdaman ko rin na naiiyak na sya pero di nya lang pinapakita sa amin kaya no choice ako. Ayoko namang makaramdam ng ganyan ang mama ko. "Sa basement." Sagot ni mama at tumingin sa aki

