"Aaahh math na naman" pagmamaktol ni Mark habang nakain kami sa hapagkainan. Oo nga pala math na naman kami ngayon. Ano kaya ang magiging topic namin? "Ayan bobo ka kasi sa math!" Ayan na naman po silang dalawa nag uumpisa na naman, bakit ba di na lang sila mag aminan ng matapos na ang asaran nila? "Don't start the argument at this early." paalala ni Henry at natahimik naman sila. "Ano ba magiging topic ngayon?" tanong ko at saka sumubo ng pagkain. "Statistics." maikling sagot ni Angie at napanod naman ako. Nang matapos kami kumain ay kaagad naman kaming nag toothbrush saka umalis ng dorm. As usuall habang naglalakad kami nakatingin ang lahat sa amin even the new student in other sections napapatingin sa amin. 'They are the class 1-A?' 'They look nothing's special at all' 'How di

