Halos di kami magkada ugaga. Kahit tinutulungan kami ng classmates namin sa mga kailangan namin hindi pa rin sapat. Sa sobrang dami naming gagawin ang mga classmates namin ang taga linis sa mga magiging dumi namin at after pa iyon ng ginagawa namin. Kaming anim. Ako, si Yana, Min, Kassey, Henry at Jullia ay sobrang busy sa paggawa ng pills na kakailanganin namin para sa susunod na araw. "Hindi pala biro tong magproduce ng sobrang dami." sabi ni Yana saka nilagay sa stall ang nagawa nyang pills. Meron kaming limang stall dito para syang test tube rock pero stall ang style. Lima ang palapag nya at kada layer kalahating ruler ang agwat. Sa isang layer may one hundred and fifty holes means one hundred fifty times five, merong seven hundred and fifty pieces kaming gagawin sa isang stall all

