"Bakit ang tagal nyo? Kanina pa kayo hinahanap ni Amber." bungad sa amin ni Yana. "May ginawa lang muna kami bago napunta dito." sabi ko naman saka kinarga si Amber "Aba bango na ah." "Te Na, ligo." natawa naman ako. "Pinaliguan ka ni ate Yana?" nag nod naman ito. "Sarap." sigaw nya kaya natawa ako. Nandito kaming lahat ngayon sa facility na binigay sa amin ng academy, malaki laki ito pero tamang tama lang dahil nadagdagan kami ng dalawang makulit na bata. "Anyway Henry pwede mo bang ipatawag ang mga Professor sa conference room? Kailangan natin silang makausap dahil sa mga ginagawa nila." mag nod naman si Henry saka umalis kasama si Yana. "Tingnan mo ang dalawang yun di na mapaghiwalay." natatawa namang sabi ni Min. "Te Na, Kya Ry. Kiss." Pare parehas naman nanlaki ang mga mata n

