"Seryoso sa pamilya mo talaga ako natatakot Yana." Dinig kong sabi ni Kass habang naglalakad kami palabas ng compound nila Jasmine. Wala nang nagtangka pa sa amin, may iilan na nagtatry na makipagkaibigan pero oo lang kami ng oo kahit di naman kasi hindi naman totoo yun eh. May mga tao talaga na gagawin ang lahat para lang umangat, tipong manggagamit na lang. "Hahaha baliw wala kayong dapat ikakaba sa totoo lang mas nakakakaba dun kila Jasmine." Sagot naman ni Yana. Nakalabas na kami ng compound pero totoo tama si Yana mas nakakatakot sa loob ng compound nila Jasmine parang anytime soon mamamatay ka gaya nang nangyari sa amin. "Hahaha pasensya na sa pamilya ko puro mukhang pera eh." -Jasmine "Buti di ka nagmana sa kanila." Pabiro kong sabi at natawa naman sila. "Heck gusto ko lang