Required sa amin na magsuot ng kimono and hindi ko alam kung anong trip ng Special Legendary at ito ang napili nila a Japanese cultures. Nang mag usap kami kami ay yan ang napili nila since hindi pa nakakalabas ng bansa ang karamihan sa amin and marami ding may gustong itry ang Japanese culture lalo na pagdating sa school festival. "Kesia!" Nilingon ko kung sino ang tumawag sakin at nakita ko si Yana at Min. "Bakit?" "Saan punta?" Tanong sakin ni Alyana. "Sa Twelve Academy? Isasubmit ko na ang mga files na kailangan para bukas." Sabi ko at napa nod naman sila. "Sama kami" nag nod naman ako. Actually sa class A kaming tatlo lang ang karaniwang nakakapasok sa Twelve Academy kaya nga yung iba dito kilala na ako at alam na nila ang pakay ko dahil dito. "Sa ilang araw na pabalik balik na