LYNDON Para iwas traffic, nag-motor na lang ako papunta dito sa main office ng National Intelligence Agency na pinamumunuan ngayon ni Ninong Arthur. Mukhang may ibibigay siyang bagong assignment sa akin, dahil hindi niya ako papupuntahin dito ng ganito kaaga kung hindi complicated ang details ng trabaho. Pwede naman niyang sabihin sa akin ang tungkol dito ng tawagan niya ako kagabi, maging kung ano ang sadya niya, pero ang tanging sinabi lang ni Ninong Art ay confidential umano ang tungkol dito, kaya kailangan kong pumunta ngayong umaga sa opisina niya. Gamit ang fingerprint na siyang tanging access ng bawat agent na naglalabas-masok dito sa building ay nakapasok agad ako. Ito rin ang ginamit ko sa elevator, kaya kusang nag-bukas ang pintuan nito at sumakay ako paakyat, hanggang narat

