JENNIE Nagkaroon ako ng malay-tao, matapos manuot sa ilong ko ang naamoy kong masangsang na amonya na pina-amoy sa akin ng kung sino sa tabi ko. Ang nakakainis pa ay may naamoy rin akong pinaghalong pawis at amoy ng mabahong kilikili, malapit lang sa akin, kaya mas lalo lamang akong nakaramdam ng labis na pagkahilo. Takip ng kanang kamay ang ilong ay mabilis na bumangon at tumayo ako. Naduduwal ako at hindi ko mapigilan na huwag bumaliktad ang sikmura ko dahil sa naamoy ko. Walang pakialam sa paligid na tumalikod ako sa mga taong narito sa bahay ng mga magulang ko, na mukhang sumasagap ng tsismis dahil dumating ako kasama ko ang asawa ko. Naduduwal ako, kaya mabilis at malaki ang mga hakbang na pumunta ako sa likod ng bahay at nagsuka. Naramdaman ko ang marahang paghagod ni Lyndon sa

