LYNDON SIX MONTHS LATER… I patiently waiting dito sa harap ng delivery room, habang naglalabor sa loob ang asawa ko, dahil ayaw kasi akong papasukin doon ni Jennie kaya naiwan ako dito sa labas. Kanina pa ang schedule ng delivery ni Jennie, pero ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin lumalabas ang mga anak ko at hanggang ngayon ay wala akong natatanggap na kahit anong balita sa kung ano na ang nangyayari sa loob. Nang bumukas ang pintuan ay agad akong lumapit sa doktor. “Kumusta ang asawa ko, dok?” “Ayaw pa rin lumabas ng mga bata,” mabilis na sagot ng doktor na kaharap ko. “Tinurukan ko na ang asawa mo, Mr. Montenegro, para ma-induce siya at mag-open ang kanyang cervix. Kapag hindi pa rin lumabas ang mga bata within an hour, I suggest na ilalabas namin sila via cesarean operati

