JENNIE “Kaya kong patunayan sa iyo na totoo ang sinasabi ko. Gagawin ko ang lahat, para maprotektahan ka lang at makawala sa organisasyon na kinabibilangan mo ngayon, Jennie.” Speechless ako ngayon. Ilang ulit na napakurap ako, habang nakatingin kay Lyndon at seryoso ang ekspresyon na nagtanong sa kanya. “How?” “Come, may ipapakita ako sa iyo, love,” agad na sagot ni Lyndon at pagkatapos ay agad siyang tumayo. Magkasabay kaming pumasok dito sa loob wardrobe. Hindi ako nagtanong ng kahit ano kay Lyndon, kahit sa isip ko ay nagtataka ako, kung bakit dito niya ako dinala at kung ano ang gusto niyang ipakita sa akin. Tumigil kami sa tapat ng malaking salamin na nakadikit sa dingding. Gamit ang hintuturong daliri ni Lyndon ay biglang nahawi ang salamin sa harap namin at nagkaroon ng pint

