JENNIE Sa loob ng isang linggong lumipas ay bihirang umalis ng bahay si Lyndon. Dumalaw rin dito sa penthouse ang kanyang mga magulang para kumustahin kaming dalawa. Hindi kasi kami nakapunta noong linggo sa family dinner ng buong pamilya Montenegro. Mabuti na lang at hindi niya sinabi sa kanyang mga magulang ang nangyari sa akin. Walang ibang nakakaalam tungkol sa pagka-kabaril sa akin maliban sa aming tatlo nina Max. Ayaw ko kasing may iba pang makaalam ng tungkol sa nangyari, bagay na naunawaan naman ni Lyndon, dahil alam niyang mahalaga sa akin ang privacy ko. Ban na rin dito sa penthouse ko si Max. Pinadala na siya ni Boss Alexander sa Russia, matapos niyang malaman ang kaguluhan na nangyari dito sa bahay ko. Hindi na ako nagtanong kay Boss Alexander ng kahit kahit anong detalye

