JENNIE Hindi ako gaanong nakatulog magdamag dahil namamahay ako. Kaunting kaluskos lang ay nagigising ako at napapatingin sa anak ko. Magkatabi kaming natulog ni Jay dito sa silid. Nakita kong nagulat at nangunot ang noo ni Jay ng magising siya sa tabi ko, pero ngumiti siya sa akin ng batiin ko. “Mommy, ngayong nandito na po kayo ni daddy, pwede n'yo ba akong samahan sa school, para makita ng mga classmate ko na may nanay at tatay rin ako?” Kahit naluluha ay mabilis akong tumango at ngumiti sa anak ko. “Oo naman, anak. Sasamahan ka namin mamaya ng daddy mo.” Nakita kong namilog ang inosenteng mga mata ng anak ko. Agad siyang bumangon at patakbong lumabas ng silid, para maligo na at maghanda sa pagpasok sa eskwela. Nakita ko ang excitement sa mga mata ng anak ko ng sabihin ko sa kan

