JENNIE Ilang ulit na napalunok ako habang nakatitig sa mga mata ng lalaking katabi ko. Speechless ako, kaya bubuka-sara ang mga labi ko, pero hindi ko nagawang makapagsalita man lang. Maningning ang mga mata at nakangiti pa sa akin si Lyndon. Katulad ko ay nakatingin rin siya sa mukha ko, habang magkahinang ang aming mga mata. For the second time, muli ay napapikit ako nang haplusin niya ang kanang pisngi ko at naramdaman kong dumaloy ang init na nagmumula sa kanyang malambot na balat. “Believe me when I say I love you, love dahil iyon ang totoong nararamdaman ko,” halos pabulong na sabi ni Lyndon, sapat para marinig ko. Pakiramdam ko ay biglang nagwala ang puso ko. Napakabilis na naman ng kabog ng dibdib ko at halo-halo ang emosyon na naramdaman ko sa mga oras na ito. “Okay lang k

