Halos hindi ako kumurap matapos akong halikan ni Claude. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa mabilis na pagtibok ng puso. "You're a good kisser." he said. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "U-Umalis na tayo bago tayo abutan ng traffic." pabulong kong sabi sa kanya. Bumuntong-hininga siya. "Nagsisi ako kung bakit hindi kita agad hinanap." "Claude…" Muling hinawakan ni Claude ang mukha ako at pagkatapos ay dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha. Hindi ako makatanggi sa kanya kung hahalikan niya uli ako. Ipinikit ko ang mga mata ko nang maglapat ang labi naming dalawa. Tulad kanina hindi ko siya pinigilan bagkus ay tumugon ako sa mga halik niya. Tumagal ang halikan namin ng isang minuto bago niya pinaandar ang sasakyan niya. "Hindi ito ang daan papunta sa bahay