NAGPAHATID ako kay Veronica sa bahay. Bitbit ko ang isang maleta ko na naglalaman ng kaunting gamit ko. Kapag nalaman ko kasi ang totoo ay aalis ako agad sa bahay namin. "Mag-ingat ka." sabi pa ni Veronica. Hindi na kasi siya lumabas ng kotse niya. "Thank you," sagot ko. Hinila ko ang maleta ko at pagkatapos ay nag-doorbell ako sa malaking gate namin. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng gate at lumabas si Yaya Maria. "Cyndi!" sabay yakap sa akin ni Yaya Maria. "Kumusta na po Yaya?" nakangiti kong sabi sa kanya. Hinila ni Yaya Maria ang dala kong maleta papasok ng bahay namin. "Nasaan po si Daddy?" tanong ko sa kanya. "Tamang-tama kadarating lang niya." sagot ni Yaya Maria. "Ganun po ba?" sagot ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay pinagmasdan ko ang loob ng bahay. Ilang buwan