Chapter 47: The Mastermind

2068 Words

Nang umalis ang asawa ni daddy na si Susana sa labas ng bahay ay saka lamang kami nakahinga ng maluwag ni mommy. Kapwa kami natitigilan sa sala hanggang sa unti-unti akong nakaramdam ng pangangalay sa 'king binti kaya agad akong napaupo sa sofa nang tumunog muli ang doorbell. Nagtinginan kami ni mommy dahil baka bumalik si Susana. Muling tumunog ang doorbell dahilan upang makabawi si mommy sa pagkagulat lalo na sa biglaang pagdating ni Susana. "Ako na ang titingin anak," ani mommy at tinungo ang pinto. Sinilip na muna niya sa peephole bago 'yon binuksan. "Hijo, ikaw pala," dinig kong wika nito dahilan upang mapalingon ako sa kinaroroonan ni mommy at doon ay nakita kong papasok na si Hugo. "Anong ginagawa mo rito?" pagalit kong turan. "We need to talk," matiim na sagot ni Hugo sa 'kin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD