Nagulat si Hugo nang makilala ang lalaking nakatayo sa likod ng kanyang sekretarya. "Ako," anito. "Meralpas?" bulalas niya sa lalaki na noon ay nakangiti. Nang mapansin si Angela ay natigilan ito. "Ops, sorry may kausap ka pala," hingi agad nito ng paumanhin. "Daddy, are we going out for lunch?" ingit ng anak na nasa tabi Kita ko ang gulat sa mukha ni Meralpas nang marinig ang tawag sa kanya ni August saka ibinaling kay Angela ang tingin saka sa kanya na may pagtatanong sa mga mata. "Oh, hi," agaw pansin ni Angela sa pansin ng lalaking bagong dating. "Hi," matipid na sagot ni Meralpas. "By the way, I'm Angela, Hugo's ex-wife," pakilala ni Angela kay Meralpas. "Wooo!" palatak ng lalaki. "Ex-wife?" may gulat na wika. Natatawa si Angela sa reaksyon ng lalaking nasa harapan. "Yes, e