Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ng babaeng bagong dating. "Yes, may reservation rito si Honorable Gustav Del Mundo," anito sa front staff ng restaurant. "Okay, ma'am, this way," anang ng waiter na umasiste sa mga ito. "Mommy, is daddy coming?" tanong ng batang lalaki na akay ng babae. Maganda naman ang babae, balingkinitan ang katawan at sa tantya ko ay nasa 5' 8" ito. Para itong modelo kung manamit at maglakad kaya nakakapanliit sa sarili lalo at nararamdaman ko ang pagbigat ng aking katawan gawa ng aking pagbubuntis. "Yes, handsome, nag-promise ng daddy mo na makikipagkita sa 'tin ngayon," sagot ng babae na abala sa pagtingin sa menu ng restaurant. Imbes na umalis ako ay sinundan ko ang mag-ina, mabuti na lamang at may bakanteng mesa na hindi pa naka-reserved malapit sa mg