Malakas ang pagtawag ni Imelda sa anak nang makitang bigla na lamang itong natumba, mabuti na lamang at sa sofa ito bumagsak. "Anak!" malakas na tawag rito saka patakbong dinaluhan ito. "Anak, Katherine," tapik sa pisngi nito. Agad na pinulsuhan at nadamang may pulso pa rin naman ito ngunit mahina. "Anak," yugyog pa rin ng ginang sa anak pero ayaw itong magising kaya natataranta itong tinawagan si Hugo. Nakailang dial na ito ngunit hindi nito ma-contact ang lalaki. "Please, Hugo answer your phone," aniya na hindi malaman ang gagawin. Akmang ibababa na nito ang cell phone nang sagutin ng lalaki. "Oh my God," bulalas niya. "Kath?" wika ni Hugo sa kabilang linya na tila gumising sa ginang. "Hugo, si Tita Imelda mo nito. Please pumunta ka rito, nahimatay si Katherine," gagad na wika.