Chapter 49: Unexpected Visitors

1772 Words

Natigilan kaming lahat nang may kumatok sa may pinto. Si mommy ang nagbukas ng pinto at nagulat kaming lahat ng makita namin kung sino ang dumating. "D-Daddy?" usal ko sa aking kabiglaan. "E-Edwardo?" anas naman ni mommy matapos makabawi sa kabiglaan. Mabilis na pumasok si daddy na tila hindi alintana ang panauhin na nasa sala. "Kailangan niyong bumalik ng Amerika," bulalas agad ni daddy habang hawak-hawak ang magkabilaang braso ni daddy. Gulong-gulo si mommy habang nakatitig kay daddy. "Ano bang nangyayari, Edwardo?" maang na tanong ni mommy rito. "Saka ko na ipapaliwanag ang importante ay maging ligtas kayong mag-ina," bulalas ni daddy. Tikhim ang pumukaw sa tensyong bumabalot sa kanilang dalawa, doon lamang nabaling ang tingin ni daddy sa mag-asawang panauhin namin. "Senator?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD