Tuwang-tuwa si Susana nang malamang nakuha na ng mga tauhan ang bastardang anak ng asawa. "Good job, sige, maghahanda ako para sa grand reunion namin ng step daughter ko," pasarkastikong turan ng ginang sa kausap. "Sure, madam at huwag na huwag niyong kakalimutan ang bunos namin sa mabilis naming aksyon," hirit pa ng lalaki sa kabilang linya. "Sure! Siguraduhin niyo lang na maayos ang lahat at walang nakasunod sa inyo," paniniguro ni Susana pa sa tauhang ibinigay ni Oswald sa kanya. "Don't worry, madam dahil well-trained ang mga ito. Nagawa nga naming tangayin ang kanilang chopper madam kaya sure na walang nakasunod sa amin," pagbibida ng kausap. "Really? Impressive, well, I guess you guys deserve a bonus," masayang wika ni Susana. Mukhang kailangan niyang makausap si Oswald at pasal