Halos malaglag ang panga ni Hugo nang marinig ang malakas na boses ni General Hermogenes. "What the hell is going on!" malakas na tinig nito dahilan upang malakas kong itulak si Cherry upang bumitaw sa 'kin. "Hugo! Anong ginagawa mo rito?" sita nito sa kanya. "S-Sir?" usal. "Papa gusto niya akong angkinin," turan ni Cherry. "Sinungaling!" malakas na bulyaw ni Hugo. "Hindi totoo 'yan," palatak pang wika. "Papa maniwala ka sa 'kin, ako ang anak mo," anang ni Cherry. "Sir, alam ni Katherine na nandito ako. Cherry called me na umiiyak—" putol na paliwanag ni Hugo nang sumabad si Cherry. "Sinungaling," anito at akmang sasampalin ang lalaki nang marinig ang malakas na tinig ng ama. "That's enough Cherry," mahinang wika ng ama. Napamaang ang babae at nainis sa ama. "Hindi mo na kami ma