OCEANE POV ILANG segundo rin nang bumalik ako sa work ko. Hindi pa rin kasi ako naka—get over sa sinabi ni ate Betty kanina. Akala ko talaga ay totoo na iyong about sa dangerous work ni Young Master Streve... Binibiro lang pala niya ako. Napailing na lamang ako at kinuha na muli ang pool net para magtrabaho na muli. “Hey, ikaw na ubod na gandang babae, nasaan ka na ba? Hey, kung saan-saan na ako naghahanap. Hey, hindi pa rin kita makita. Hey, nasaan ka na ba? Magpakita sa akin. Hey, nasaan ka na ba talaga?” Hindi ko napigilang kumanta ng Iʼm searching for the right girl ng Starlight. Favorite ko rin ang P—pop group na iyon, ang idol ko rito ay si Tarius, pero balita ay may girlfriend na iyon. Kaya kay Young Master Strove na muli ako. “Iʼm searching for the pretty girl. . . Nas

