OCEANE POV DAHAN—DAHANG lumabas ako mula sa office room ni Young Master Strive habang hawak ko ang tray at mga pinagkainan naming dalawa. Pagkasara ko ng pinto, agad aking napasandal sa pader. “Hay naku...” mahina kong bulong. Pakiramdam ko ay naubos ang aking lahat ng energy ngayong araw. Hindi lang dahil sa dami ng trabaho. Kung ʼdi dahil kay Young Master Strive. Hindi ko talaga siya maintindihan. Minsan sobrang seryoso. Minsan naman parang nang—aasar, katulad lamang kanina. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi niya kanina tungkol sa niluto kong adobo. “Maalat.” Napailing na lamang ako. “Kinabahan talaga ako roon. Akala ko talaga ay maalat ang luto ko. Ilang beses ko kayang tinikman iyon, maging kay ate Vic ay pinatikim ko tapos hindi naman maal

