OCEANE POV ALAS—SINGKO pa lamang ng umaga ay nagising na ako. Ngayong araw na ang pinaka—hinihintay ng lahat, ang anniversary celebration nina Maʼam Honey and Master Steven. Kaya paniguradong maaga pa lamang ay busy na kami. Napahikab ako habang bumabangon ako ngayon sa kama. Napahilamos ako sa aking mukha. Pilit kong ginigising ang aking sarili para sa araw na ito. Kailangan ko ng maligo para mahimasmasan at magising talaga ang diwa ko. Kailangan ay maging alive ako ngayong araw lalo naʼt marami kaming gagawin before the celebration. Kinuha ko na ang towel at lumakad pababa habang napapahikab pa rin ako. “Good morning, Oceane!” bati ni Annie nang makita ko siyang nakapila sa bathroom. “Good morning too, Annie! Ang aga ninyo ring nagising, ha?” sabi ko sa kanila at naki—pila na a

