OCEANE POV “MAUUNA na kami sa inyo, Sir and Maʼam!” sabi ni Manang Saldi. Tumango si Mrs. Cuevas sa amin. “Sige na, Saldi. Ihatid mo na si Oceane sa headquarters ninyo para makita ang kʼwarto niya. Mukhang pagod na siya lalo naʼt galing pa siya sa probinsya. I—tour ninyo na lamang muna siya sa buong bahay at sabihin kung ano ang trabaho niya rito para roon lamang siya naka—focus,” malumanay na sabi ni Mrs. Cuevas kay Manang Saldi pero ang kanyang tingin ay nasa akin. Ngumiti lamang ako sa kanya, kahit papaano ay naiilang ako ngayon. “Naiintindihan ko, Maʼam.” Yumuko si Manang Saldi at nilingon ako. “Halika na, Oceane. Ipapakita ko sa iyo ang buong bahay.” sabi niya sa akin. “Opo,” sagot ko sa kanya, sumunod agad ako. Lumakad kami sa outdoor ng bahay at huminto kami sa isang lugar, n

