CHAPTER 7

1375 Words
OCEANE POV ILANG sandali silang nagkulitan hanggang sa biglang tumahimik si Annie, nakita kong parang may gusto siyang sabihin sa akin. “Oceane...” seryoso nitong tawag sa akin. Napatingin ako sa kanya. “Bakit?” Napatingin muli ako sa merch ni Strove, nilagay ko muli sa box nito at sa paper bag para hindi na mabasag pa. Iiyak talaga ako kapag nabasag ito. Once a life time lang mangyari ito para sa aking buhay. “May sasabihin sana ako sa iyo, Oceane,” panimulang sabi ni Annie sa akin. Naging seryoso ang kanyang mukha kaya kinabahan ako. “Ano iyon, Annie? Napaka—seryoso mo naman. Kanina nagkukulitan lang tayong dalawa. So, anong sasabihin mo sa akin?” tanong ko sa kanya. “Um, gusto mo bang magtrabaho?” tanong niya sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. “Doon sa pinapasukan ko sa Manila... Naghahanap sila ng kasambahay muli—” Bahagya akong natigilan at nawala ang tingin ko sa merch ni Strove. “Ha? Talaga?” bulalas kong tanong sa kanya. Tumango si Annie. “Oo. Nangangailangan kami ngayon ng panibagong kasambahay sa amin. Mabait naman iyong pamilya na iyon kaya dalawang taon na ako, ʼdi ba? Maayos din ang sweldo. At... Naisip kita. So, ano gusto mo ba?” tanong niya sa akin. Napalunok ako sa kanyang tanong, hindi agad ako nakasagot. “Alam kong gusto mong makatulong sa pamilya mo... At makapag—ipon para sa college. Alam ko namang gusto mong mag—aral ng kolehiyo, ʼdi ba? Sabay ulit tayong mag—aral,” dagdag na sabi ni Annie. “Baka lang... Gusto mong subukan?” Tahimik pa rin ako habang hindi pa rin maalis ang aking tingin sa merch ni Strove. “Annie...” mahinang sabi ko sa kanya. “Doon ka rin nagta—trabaho ngayon, ʼdi ba?” “Oo, doon pa rin ako.” “At okay naman sila?” Tumango muli siya sa akin. “Sobrang okay roon, Oceane. Kaya ano, gusto mo ba?” Napaisip ako sa kanyang sinabi. Unti—unting bumilis ang t***k ng puso ko, dahil sa opportunity na binibigay na ngayon sa akin. “Annie, sino nga ba muli ang pamilyang pinagta—trabauhan mo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti si Annie sa akin parang may tinatagong sikreto. “Basta... Kilala mo sila,” sagot nito sa akin. Nangunot ang aking noo sa kanyang sinabi. “Ha? Sino?” takang tanong ko sa kanya. Gusto ko na talagang malaman kasi kumakabog nang mabilis ang aking puso, sobrang lakas. “Doon nakatira si Strove.” Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Annie. “Anong sabi mo?” Hindi ko naiwasang napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Annie. Tumawa nang malakas si Annie kaya napasimangot ako sa kanya. “Sabi ko na eh, ganyan ang magiging reaksyon mo.” Naiiling na sabi niya sa akin. “Binibiro mo lang ako, ano?” Nakasimangot kong tanong sa kanya. Todo pa rin ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. “Oo, nagbibiro lang ako.” Lalo akong napasimangot sa kanya. “Hmmp! Pero, kebers ko naman... Totoo naman siguro ang sinabi mong hiring ng kasambahay sa pinagta—trabauhan mo?” tanong ko sa kanya, baka kasi jino—joke lang din niya ako. Tumango siya sa akin. “Oo, totoo ang sinabi ko sa iyo. Hiring doon kaya gusto mo?” tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Oo naman, Annie.” mahinang sabi ko pero puno ng pag—asa. “Sa tingin mo... Kaya ko kaya roon?” dagdag na tanong ko sa kanya. Ngumiti si Annie sa akin, malambing pero sigurado. “Kung gusto mo, kakayanin mo, Oceane. Alam ko namang matapang ka rin... Isipin mo ang family mo, Oceane.” sabi niya sa akin sa seryosong boses at mukha. Napatahimik ako sa kanyang sinabi. Napaisip ako dahil kung pupunta ako sa Manila para magwork, matutupad ang pangarap ko para sa aking sarili at para sa pamilya ko. Tinignan ko muli si Annie. “Okay, Annie. Sasama ako. Pero, kailangan ko muna ng kausapin sina Mama at Papa. Kailangan kong magpaalam,” sabi ko sa kanya. “Magpaalam ka na agad, Oceane. Tandaan mo na one week lang ako rito kaya the more na maaga mo sasabihin sa akin na papayag kang sumama sa akin sa Manila, sasabihan ko agad sa mayordoma roon na may isasama ako at hindi na sila maghahanap pa ng iba,” paliwanag sa akin ni Annie. Napatango ako sa kanyang sinabi. “Okay, Annie. Sasabihin ko na agad kina Mama at Papa tungkol dito. Basta sa iisang work lang tayo, ha?” sabi ko sa kanya. Ayaw kong mahiwalay sa kanya. “Oo, Oceane. Sa iisang house lang tayo kaya pilitin mo sina tita and tito.” Tumango ako sa kanyang sinabi. Kailangan kong pilitin sina Mama at Papa na payagan akong sumama kay Annie. “Annie, salamat sa pasalubong!” nakangiting sabi ko sa kanya habang hawak nang mahigpit ang paper bag kung nasaan ang merch ni Strove. “Wala iyon! Iyong sinabi ko sa iyo, Oceane!” Tumango ako sa kanya at nag—okay sign. Lumakad na ako pabalik sa bahay namin at nakita ko roon si Mama na nagluluto nang tanghalian namin. “Nakabalik ka na pala, Oceane. Dumating daw si Annie, kaya ka ba maagang gumising dahil sa kanya?” Napahinto ako sa kanya lamesa namin at nilapag ang pasalubong ni Annie. “Ah, opo, Mama. Heto po pala pasalubong niya sa atin, can goods po, mukhang mamahalin. May pabango rin po at hetong ilang pirasong chocolates po,” sabi ko sa kanya at nilapag ang lahat ng nadala kong pasalubong. Napatingin si Mama sa akin. “Nagpasalamat ka ba, Oceane?” Tumango ako sa kanya. “Oo naman po, Mama. At saka po pala—” “Ay, wala pa lang toyo! Oceane, pakibantayan ang niluluto ko, ha? Sandali lang, anak!” Nakita ko ang mabilis na paglakad ni Mama palabas sa bahay namin. Iyon na, eh. Sasabihin ko na ang tungkol sa pagsama ko kay Annie, pero naudlot pa. Lumilipas ang oras, hindi ko pa rin nasasabi kina Mama at Papa ang tungkol sa pagsama ko kay Annie. “Ate Oceane, kanina pa kita nakikitang patingin—tingin kina Mama at Papa. May sasabihin ka ba sa kanila?” Nawala ang tingin ko sa pʼwesto nina Mama at Papa nang marinig ko ang boses ng kapatid kong si Nadine. “Ha? W—wala. Punasan mo na lang muli niyang lamesa,” sabi ko sa kanya at muling naghugas dito ng pinggan. Kailangan ko ng sabihin ito kina Mama at Papa baka kasi maunahan pa ako sa trabaho na iyon. Nang matapos akong maghugas ay naghilamos naman ako para once na masabi ko ang tungkol doon ay makatulog na ako nang mahimbing agad. Natapos na rin akong maghilamos at nakabihis na rin ako ng damit ko. “Oceane, itʼs now or never. Kailangan na natin masabi sa kanila ang tungkol dito,” bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa maliit kong salamin. Kinuha ko ang bulak na pinagamitan ko at lumabas na rin sa kʼwarto ko, doon ay nakita ko sina Mama at Papa na nanonood pa rin ng television. Nang matapon ko na ang bulak ay napalunok na ako habang iniisip ko kung paano ko kakausapin sina Mama at Papa about sa binabalak kong pagpunta sa Manila para roon magtrabaho bilang kasambahay sa pinapasukan ni Annie. Napahaplos ako sa aking magkabilang braso nang maramdaman ko ang lamig na hangin mula sa bintana namin, nakabukas pa kasi iyon. Huminga akong malalim nang makita kong tahimik na nanonood ng balita sina Mama at Papa. Kailangan ko ng sabihin tungkol dito dahil sa Sunday ay paluwas na muli sa Manila si Annie, kailangang makasama na ako. “Ma... Pa...” mahinahon na panimula ko, pero baka sa boses ko ang kaba. “May sasabihin po sana ako.” dagdag na sabi ko. Napatingin silang dalawa sa akin. This is it, Oceane. Kailangan na natin sabihin sa kanila ang tungkol dito. Itʼs now or never.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD