OCEANE POV “IKAW na ang maghahanda ng pagkain ni Young Master Strive starting today, Oceane.” Halos mabingi ang aking magkabilang tenga nang marinig ko ang sinabi ni Manang Saldi sa akin. Parang nahulog ang aking kaluluwa sa pool dahil dito. “Ha?!” Nagulat ako nang mag—react ako ng ganoʼn kaya mabilis kong tinakpan ang aking bibig. “A—ano po? B—bakit po ako, Manang Saldi?” tanong ko sa kanya. “S—si Young Master Strive po talaga?” Tinuro ko ang aking sarili. Tumango si Manang Saldi. “Tama ang narinig mo, Oceane. May problema ba?” tanong niya sa akin. May problema! Napakalaking problema! Bigla akong umiling sa kanyang sinabi. “W—wala po, Manang Saldi. Wala pong problema sa akin. P—pero bakit po ako?” tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot siya tanong kong iyon. Biglang pum

