MASAYA AKONG BUMANGON kinabukasan matapos naming mag-usap ni Ate Len. Mabilis na kung mabilis pero para sa akin, bakit kailangang patagalin ang isang bagay kung puwede namang magkakilala at magsaya ang dalawang tao nang magkasama? Fools rush in na kung fools rush in but I would rather be a fool than be one of those people who thought about the could have beens endlessly. I didn’t want that for myself. Matapos kong makapag-shower at makapagbihis ay inilagay ko ang contact lens ko. Malimutan na ang lahat, huwag lang iyon. Kung hindi ay talagang bistado na nila akong lahat. Why? I had blue eyes while Ate Len’s were brown. Nasa may landing pa lang ako ng hagdan ay amoy na amoy ko na ang luto ni Inay Mila. I thought it’s fried rice. I wondered kung ano ang ulam namin ngayong umaga. Pero iba