MADRID BUONG ARAW ANG meeting kahapon at kahit wala akong sinabi sa pagtitipon na iyon ay ngawit na ngawit ako sa pag-upo. I didn’t know how Zia dealt with these things everyday. Sa kainipan ko ay nagbalik-tanaw ako sa araw na una kong nakilala si Ludwig, limang taon na ang nakakaraan. “Ate, I want to go with you,” nakangusong sabi ni Zia na nakaupo sa kama. She was already twenty-four pero kapag kami lang ang tao ay malaya niyang naipapakita ang tunay na personalidad sa akin. “Zia, you know you can’t come with me. Baka nagsasabi pa lang tayo sa Mama mo ay na-grounded ka na. You can’t be seen partying with us.” “But I want to go, I’m so bored here. I’ve read all those pile of papers. I don’t even know why I have to read it. It’s not like I have a say on anything anyway,” nakabusang