Manila, Philippines
13:58 P.M.
December 23, 2017
AT THE HOSPITAL . . .
[Cassy’s POV]
NAKITA KO KUNG paano pinaslang ang aking inang si Esmeralda. Ang sabi ni Papi, nagkaroon ako ng concussion at violent traumatic experience dahilan upang makalimutan ko ang mga nangyari ng araw na iyon. Ngunit hindi sa aking panaginip. Makailang ulit ko nang paulit-ulit na nakikita ang nangyari noon. Pati sa pagpikit ng aking mga mata ay nakikita ko kung paano bumulagtang duguan ang aking ina. She was dead on the spot.
Kitang-kita ko ang cobrang tattoo sa may pulsohan ng lalaking may nakasulat na
letrang EZ. Isang alaala na paulit-ulit na gumugulo sa aking isipan. Isang pangalan na aking sinisigaw ngunit hindi ko matagpuan.
“Subukan mong iputok Vega! Magsasama kayo ng mga ahas mong galamay sa impyerno. Alam mo kong anong kaya kong gawin. ‘Wag mo akong subukan. Bitiwan mo siya!" sigaw ni Mama.
"Ah! Matapang ka na ngayon Esmeralda. Let's see kung matapang ka pa rin kapag pinasabog ko na ang bungo ng batang 'to,” matapang na sagot ng lalaking naka maskara.
“Hinahamon mo talaga ako. Bibitawan mo siya o magsasama na kayo ni kamatayan sa impyerno!” Hasik ni Mama sa lalaki. Nakakatakot ang bulyaw nito na pati ang aking mga kalamnan ay nanghihina.
Nakatotok pa rin ang baril sa akin. Takot na takot ako. Pero kailangan kong makatakas. I had intensive training on combat drills. I am expert in martials and I certified and trained in advanced marksmanship. Buong lakas kong tinadyakan ang kanyang kaliwang tuhod at kinagat ang kanyang pulsohan. Mabilis akong tumakbo at niyakap si Mama. Pero tinulak niya ako palayo.
I am fearless. I am the strongest. My words are rules and commands iyong ang aking pakiramdam. Ngunit ni isa ay hindi ko magawa.
"Anak, alam mo na ang gagawin. Hindi ba? Ngayon na anak. Makailing ulit ka naming inensayo kayanin mo. Takbo na.Tumakbo ka na. Takbo!"
Tinatahak ko na ang puting pader na may lihim na lagusan ng marinig ko ang putok ng baril kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Mama.
"M-ma! Mamaaaaaaaa!"
Bumalik ako at niyakap ko ang nakahandusay niyang katawan sa sahig. Lalapitan na sana siya no’ng lalaki pero may bumaril dito.
"Anak, iwan mo na ako. Takbo na! Bilisan mo! Takbo na! Tumakas ka na!"
"Ma, hindi kita iiwan,” pagsusumamo ko rito.
"Don't be stubborn! Not now! Nakikiusap ako umalis ka na. Iwan mo na ako. Hanapin mo si Kael. Kailangang magtagpo ang landas ninyo ni Kael. Ibigay mo ito sakanya?” ani Mama.
Tumakbo na ako palayo na punong puno ng dugo ang katawan. Takot ako. Takot na takot. Nanginginig ang buong katawan. I need to get out of this tunnel and find Kael.
Sino ba si Kael? Ang aking panaginip ay parati na lamang tumitigil sa parte kung saan hinahahanap ko si Kael.
Ilang taon na ang nakalilipas pero hindi ko pa rin nakikita ang taong pinahahanap sa akin ni Mama. Kung may kaugnayan man siya sa akin o sa Mama ‘yon ang kailangan kong tuklasin. Paulit-ulit pa rin akong ginugulo ng mga alaalang hindi ko matandaan. Madalas at paulit-ulit kung napapanaginipan na tumatakbo ako, punong puno ng dugo at hinahanap si Kael.
Hindi ko rin maintindihan paano ako naging pre-school teacher. Ang sabi ni Nay Elena, ipanasok ako ng Mama sa isang exclusive academy sa Tokyo para mga batang mataas ang IQ at EQ level. I was born a genius. Sobrang talino ko raw at hindi ako bagay sa normal na eskwelehan. Kwento niya pa ay nasa senior high school na ako sa edad na labing-apat.
Pinaliwang sa akin ni Nay Elena na doon ako pinagaral dahil na rin sa kaligtasan ko. Dahil gusto akong protektahan ng Mama. Dagdag pa ni Nay Elena ako raw ang pumilit na makipagkita sa Papi ko sa Cebu. Pinagsisihan ko ang pagpilit sakanyang makipagkita sa aking ama. ‘Di sin sana'y buhay pa siya. Sana'y hindi nawala aking alaala.
Hindi rin ako tantanan ng mga paulit-ulit na munting alaala sa bawat gabi ng pagtulog ko at gigising ako sa umagang animo'y totoong nangyari ang aking mga panaginip.
Minsan nagigising akong umiiyak. Nitong huli lang ay sariwang-sariwa sa aking isip. Ang araw na napaslang ang aking ina. Ngunit paano nalaman ni Nay Elena ang lahat ng impormasyon patungkol sa akin? Ayon sa kanila ay natagpuan nila akong walang malay halos tatlong taon na ang nakalilipas. Paano? Sino si Señor? Ang taong madalas pag-usapan nila Nay Elena, Tay Elias, Gavin at Laine.
Mga tanong na gustong-gusto ko mabigyan ng kasagutan.
“Mi bonita! Gising ka na pala. May masakit ba sayo? Gutom ka na? Ibibili kita ng makakain mo,” ani Laine na mukhang alalang-ala sa akin.
“I’m okay. I’m fine. Can I have a glass of water?”
Nagmadali itong nagbukas sa maliit na refrigerator sa loob ng kwarto sa hospital.
“Laine, anong nangyari?”
“You were screaming in pain then you passed out. Dinala ka namin rito.”
“Ohhh! Laine . . . “
“Yes, mi bonita?”
“Sino si Kael?” tanong ko.
Hindi ito nakasagot bagkus ay namutla tila na nawalan ng dugo sa kaniyang
katawan. Biglang napipi ang matabil na dila ni Laine.
“Laine, I’m asking you! Sino si Kael?” pagalit na turan ko rito.
“Hindi ko alam kung sino ang Kael na hinahanap mo, Celine,” sagot nito.
“But, I heard Papi called Kael before I passed out.”
“Mi Bonita, must be in your dreams again.”
“Siguro nga. Nasaan si Papi?”
“Kausap ang doctor mo at inaayos ang paglabas mo rito.”
“Can you get me someting to eat. I’m starving, please.”
Hindi ito sumagot at tinalikuran na ako. Hindi na lamang bodyguard at driver ang naging papel ni Laine sa buhay ko. Personal assistant ko na rin siya. Madalas siya ang nagluluto ng aking agahan. Hatid sundo ako nito sa trabaho. Sabi nga ng mga co-teachers ko ay higit pa raw sa isang asawa ang pagaasikaso nito sa akin.
Si Laine Vega ang personal driver at private bodyguard that my father Iñigo Chan hired to watch over me. Unti-unti ko nang natutunang mahalin ang lalaking hindi ko lang bodyguard at driver kung hindi karamay ko rin sa lahat ng emotional distress na aking nararanasan.
Pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala. Matagal na kaming nagkasama. There was a special bond between us. We became unseparable. Si Laine ang nagiisa kong kaibigan and I’m have fallen head over heels for him. Hindi ko nga lang gusto ang ugali nitong talakero. Kung makasermon ito sa akin ay dinaig pa ang tatay ko.