Manila, Philippines
8:00 A.M.
December 23, 2017
FORTY-EIGHT MONTHS EARLIER . . .
“Celine, anak gising na't tanghali na may pasok ka pa,” ani Elena. Ang kasambahay at katiwala ng mga Zendejas. Ang naging ina ni Celine simula ng matagpuan siya nito walong taon na ang nakalilipas.
Pinagdasal ko na mapansin mo,
Hiniling kung mahalin mo rin ako.
Na sana'y maging parte ako ng iyong mundo,
Pinangarap ko pa na ako'y maging iyo.
Dapat hindi ikaw ang tinitibok nitong puso ko,
Hindi ikaw ang iniibig ko.
Naging mapanlinlang, ika'y nagbalat kayo,
Upang maisatuparan ang misyon naiatas sayo.
Isang tulang nakasulat sa nakatuping neon green na sticky note sa aking libro. Alam ko na ako ang nagsulat ng mga katagang ‘yon dahil sulat kamay ko ang mga ito. Nakatulogan ko na ang paulit-ulit na pagbabasa nito.
Bumangon ako na nakapikit pa ang mata at nahiga ulit ng padapa. Biglang nawala ang antok ko ng pinalo ako ni Nay Elena nang napakalakas. Iyon ang madalas na gawin ng matanda sa matatambok kong puwetan. Nakasanayan ko na ang istatrihiya nito upang tuluyan na akong bumangon sa higaan.
“Aray! Nay naman. Dalaga na ho ako! ‘Wag ninyo na akong ginigising ng ganyan,” padabog na sigaw ni Celine.
“Ganoon pala't dalaga ka na. Bumangon ka na riyan bago pa maginit ang dugo ng reyna. Kanina ka pa nila hinihintay sa hapag kainan,” hindi pa ito nakontento sa isang palo sa puwet at sinundan pa ng isang marahang pagtapik-tapik sa aking binti.
“Opo Nay. Five minutes po,” hirit ko pa.
Iniwan na ako ni Nay Elena sa kwarto. Pilit kong minulat ang aking mga mata at pumikit ulit. Dream. It was just a dream pero bakit parang totoong lahat ang nangyari. Hinahabol ko na naman si Kael. Kailan ko ba makikita ang mukha niya? Kailan ba kita makikilala Kael? Soulmate ba kita? Para kanino ang tulang sinulat ko? Hinawakan ko ang neon green sticky note na nakaipit sa aking lesson plan. Sulat kamay kita. Alam kong sinulat kita. Ngunit para kanino? Bakit?
"Celine Chan! Bilisan mo riyan. Alas otso na!" sigaw ulit ni Nay Elena na dumagondong sa loob ng bahay.
Matanda na ito ngunit ang boses ay napakalakas hindi na kailangan ng mega phone upang marinig sa buong mansion ang singhal nito. Sumigaw pa itong muli. Galit na ito kaya naman mabilis na akong bumangon at tumakbo papuntang banyo. Mabilis akong naligo at nag bihis ng aking uniporme sa Lindberg University. Ikatlong linggo ng pasukan ngayon.
Nang makababa ako sa komedor. Inalala kong kung saan ba ako pumunta kagabi at pakiramdam ko ay hilong-hilo ako. Sobrang sakit ng ulo ko. Para itong binibiyak. Must be hangover.
“Nay, pumunta po ba ako sa party kagabi?" tanong ko rito habang nagsasalin ng kape sa aking tasa.
“Ewan sayong bata ka. Aalis – babalik ngunit walang maalala. Bilisan mo riyan kumain. Bakit ba ang hilig mong pinaghihitay si Laine sa umaga? Idaraan pa niya sa opisina ang ‘yong Papa bago ka ihatid sa trabaho.”
“Bakit ho nandirito si Laine? Nagpaalam ho siyang uuwi sa probinsya niya kahapon,” nagtataka kong tanong.
“Hindi tumuloy. Sinahaman niya ang ‘yong Papa kahapon sa Clark, Pampanga,” turan nito habang naglalagay ng pagkain sa aking baonan.
“Nakauwi na po pala si Papi? Kailan siya dumating, Nay?”
"Anong kailan dumating? Dito siya nakatira malamang nandirito siya."
“Pero Nay. Di ba ho nasa Japan siya?"
“Hay, Celine! Inuubos mo ang pacensiya kong bata ka. Taposin mo na ang ‘yong agahan. Ang dami mong tanong. Nandito na sa lunch bag ang pagkain mo pati na ang gamot mo.’Wag mong kakalimutan kailangang inumin mo ito sa tamang oras,” bilin nito.
“Opo Nay. I know Nay if not on time. I will have seizure. Nay, I memorized the drill. Don’t worry I’m fine.”
Napaisip ako. Bakit pati ang iinumin kong gamot? Ang pagkain ko. Ang susuotin ko ay hinanda pa nito. Eh,kaya ko namang gawin iyon. Marunong naman ako sa lahat ng gawaing bahay. Maglinis, maglaba pati ang kakainin ko. Marunong akong magluto. Bigla ay nagulohan ako. Alam ko sa sarili na kayang kaya kong gawin ang mga ‘yon ngunit hindi ko rin maintindihan kong bakit parati si Nay Elena nakaagapay. Dahil ba wala akong maalala?
Bakit samo't saring mga kaganapan sa buhay ko ang aking naalala. Ngunit dapatwat ni isa man sa mga ito ay walang kabulohan. Wala ni isa sa maliliit na mga alaala na makapagpaalala sa akin sa mga nangyari noong araw na iyon. Ano ba talaga ang nangyari bago ko nakalimutan ang lahat? Bakit iisang pangalan ang tanging naaalala ko at madalas ay nagigising akong sinisigaw ang pangalan ni Kael. Sino ba si Kael?
"Ahhh!" Hiyaw ko habang sapol ang ulo ng mga kamay ko,”Ahhhh! Papi!” hiyaw ko. Sobrang sakit ng ulo ko parang binibiyak ito,”Ahhhhh! Nay hindi ko na kaya! Ahhhh!”
Narinig ko ang mabibilis na mga yabag papalapit sa akin,"Mi bonita, anong nangyari?"
Tiningnan ko lamang siya, nanghina ang buong katawan ko at biglang dumilim na ang aking paligid. Naramdaman ko pa ang pagbagsak ko sa makikisig niyang bisig. Naririnig ko ang mga boses sa aking paligid ngunit wala akong lakas. Hinang-hina ang buong katawan ko. Parang pinipilit sa sakit ang aking ulo.
“Kael, anong nangyari?”
“Señor, Laine, Laine ang itawag ninyo sa akin,” ani Laine.
Naririnig ko na naman ang pangalang Kael. Nanaginip na naman ba ako?
“Elena, madali ka. Pakitawag si Gavin. Ipahanda mo ang sasakyan. Dadalhin natin ang anak ko sa hospital.”
"Oh, darlin’ we don't need to take her to the hospital. She's only acting. I'm sure she's fine beside it's not an emergency,” said Serafina.
Ang boses na matinis na puno ng arteng kinaiinisan ko. Ang boses ng nobya ng Papi. Should I say mistress? Ngunit patay na ang Mama. Matatawag pa ba siyang kabit?
Walang lakas ang buong katawan ko ngunit gising na gising ang aking diwa.
Nagugulohan man ako sa aking mga naririnig ngunit malinaw na narining ko ang pagtawag ng Papi kay Laine ng Kael.
“Tumahimik ka, Serafina! Kasalanan mo ang lahat ng ito!" sigaw ni Papi sa babaeng kulang na lamang ay manghiram ng mukha sa tsonggo.
Ang mukha nitong tinadtad ng kolorete. Parang payaso sa kapal ng make-up at lipstick nito. Sa araw-araw na nakikita ko siya ay tumitinding paghihinagpis ang aking nararamdaman na hindi ko rin naman mawari kung bakit.
#