Kabanata 38 Matteo's POV (Part-2) Tahimik lang ako habang kumakain, we haven't talk about anything, lalo na ang tungkol kay Audrey.. Ramdam ko ang galit saakin ni Lola mula nang umalis si Audrey, ni hindi niya ako kinikibo at kahit kamustahin man lang, hindi ko siya masisi pagkat ako ang may mali. Kaya mabilis ko nang tinapos ang pagkain at maagap na nag paalam sa mga ito, hindi na rin ako nag pa pigil kay Aira na gusto pang mag stay ako sa bahay.. Sakay nang aking kotse ay tinungo ko ang Opisina. Ilan lang ang pumasok ngayong araw dahil araw ng linggo. Bakas man ang gulat ng ilan sa pag dating ko ay pinag sawalang kibo ko nalamang iyon. "Good morning Sir.." Bati saakin ng aking Secretary na siya kong tinangoan. "Si Mr.Cross pumasok ba?" Agad kong tanong. "Ah, Sir one week on leave

