Kabanata 27 Nagpapahangin ako sa likod bahay dahil tulog naman ngayon si Lola Yolly, naka lubog ang dalawang paa ko sa pool habang nagbabasa nang librong nakita ko sa shelf na nasa aking silid. Its a romance book, hindi naman ako mahilig talaga magbasa pero dahil wala nga akong magawa eh pinili kong buklatin ang libro. Napa tigil ako sa pag babasa nang makarinig ng ilang busina mula sa labas. Mukang napa aga ang uwe ni Matteo? Sinulyapan ko pa ang relo kong pambisig. Pasado Alas dos palang nang hapon. Binalik ko ang pansin sa aking binabasa nang makarinig nang nagtatawanan, mula sa loob. Dala nang koryosidad ay tumayo na ako para pumasok sa loob nang kusina Halos sabay na lumingon saakin si Aira at Valerie nang makita ako. "Dra? Ano pong ginagawa nyo dito?!" Halos bumagsak ang panga

